7 patay sa pamamaril sa Rosario, Cavite

 

Pito katao ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa isang itinuturing na election-related violent incident sa bayan ng Rosario, Cavite kaninang hatinggabi.

Ayon sa ulat, pawang mga tama ng bala sa ulo ang inabot ng mga biktima sa insidente na naganap sa Bgy. Wawa 3, sa Bayan ng Rosario

Diumano, sakay ng isang itim na AUV ang mga biktima nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.

Isa pa umano sa mga sakay ng AUV ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.

Ang lalawigan ng Cavite ay hindi kasama sa itinuturing na election hotspot ng PNP.

Read more...