Milyun-milyong Pinoy, pipili ng susunod na mga lider ng bansa ngayong araw

By Jay Dones May 09, 2016 - 03:20 AM

 

Twitter Photo/Dir. James Jimenez

Simula na ng paglalahad ng mga Pilipino ng nais nilang maging susunod na pinuno ng bansa.

Dakong alas-sais ngayong umaga bubuksan na ang mga polling centers sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas at pahihintulutan na ang mga PIlipinong nasa hustong edad na pumili ng ihahalal sa iba’t-ibang posisyon.

Magtatagal ang botohan hanggang alas-singko ng hapon na siyang pinakamatagal na oras ng pagboto sa kasaysayan ng bansa.

Sakaling may mga botante pa sa bisinidad ng mga polling center pagsapit ng takdang oras, ay pahihintulutan pa ang mga itong makaboto.

Paalala ng Commission on Elections, tiyakin na maayos at maingat ang mga botante sa pagsi-shade ng mga bilog sa tabi ng mga pangalan ng mga kandidato na nais nilang ihalal.

Mariin ding  ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan ng mga balota na o pagsi-selfie habang bumoboto.

Babala ng Comelec, sakaling masita, maaring makasuhan ang isang botante ng paglabag sa election offense at makulong ng hanggang anim na taon kung mapapatunayang lumabag  sa naturang batas sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Payo pa ng Comelec sa mga botante, magdala ng kopy o ‘codigo’ ng mga pangalan ng mga kandidatong iboboto upang hindi na magtagal sa loob ng polling precinct.

Ito ay upang mapabilis ang proseso ng pagboto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.