Election results, ipapaskil ng Comelec sa internet

 

Ipapaskil ng Commission on Elections sa isang espesyal na website ang resulta ng magaganap na botohan bukas, May 9.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, makikita sa website ang election results at certificate of canvas na ita-transmit sa central server ng Comelec.

Matutunghayan sa www.pilipinaselectionresults2016.com ang resulta ng canvassing National, Local at ARMM Regional Elections.

Ang naturang portal aniya ay bubuksan o magiging ‘active’ sa oras na magsara na ang mga polling precencts bukas.

Samantala, nilinaw ni Jimenez na tanging mga resulta lamang sa botohan sa senatorial at party-list ang bibilangin ng Comelec. Ito’y dahil sa ang presidential at vice presidential canvassing ay isasagawa ng National Board of Canvassers sa Kongreso.

Read more...