Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mababa na sa 30,000

Mahigit 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas sa loob ng isang araw.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 10), nasa 2,809,311 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 29,138 o 1.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,646 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

60.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.0 porsyento ang asymptomatic; 17.36 porsyento ang moderate; 10.4 porsyento ang severe habang 4.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 99 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 44,665 o 1.59 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,029 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,735,508 o 97.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...