PNP: Tanging 1.23 porsyento ng mga pulis ang hindi pa bakunado vs COVID-19
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 91.27 porsyento o katumbas ng 204,728 na pulis ang nabakunahan na kontra sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 7.50 porsyento o 16,833 PNP personnel ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Samantala, tanging 1.23 porsyento o 2,751 pulis na lamang ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa nakahahawang sakit.
Base sa datos ng PNP, kapansin-pansin ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.
Sa ngayon, nasa 261 na lamang ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.