Kasong treason ni Trillanes, minaliit ng Malacañang

 

 

Minaliit ng Malakanyang ang reklamong treason na isinampa ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban kina Pangulong Noynoy Aquino at Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., ang treason ay posible lamang kapag mayroong giyera.

Pero sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas, sinabi ni Coloma na malinaw na wala namang giyera o kaguluhan.

Binigyang-diin naman ni Coloma na ang lahat ng mga hakbang ng gobyerno kaugnay sa territorial disputes ng Pilipinas laban sa China dahil sa West Philippine Sea ay pawang ‘rules based.’

Kaya aniya humantong sa paghahain ng arbitration sa ilalim ng panuntunan ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Noong nakalipas na linggo, naghain ang Duterte camp ng treason complaint, maging ng espionage, laban kita Pnoy at Trillanes sa Office of the Ombudsman.

Ito’y dahil sa pagsasagawa ng back channel talks sa China ni Trillanes, na imposible raw na walang direktiba mula kay Pangulong Aquino.

Read more...