Kasong treason ni Trillanes, minaliit ng Malacañang

By Isa Avendaño-Umali May 08, 2016 - 05:11 PM

 

 

Antonio Trillanes IVMinaliit ng Malakanyang ang reklamong treason na isinampa ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte laban kina Pangulong Noynoy Aquino at Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., ang treason ay posible lamang kapag mayroong giyera.

Pero sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas, sinabi ni Coloma na malinaw na wala namang giyera o kaguluhan.

Binigyang-diin naman ni Coloma na ang lahat ng mga hakbang ng gobyerno kaugnay sa territorial disputes ng Pilipinas laban sa China dahil sa West Philippine Sea ay pawang ‘rules based.’

Kaya aniya humantong sa paghahain ng arbitration sa ilalim ng panuntunan ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Noong nakalipas na linggo, naghain ang Duterte camp ng treason complaint, maging ng espionage, laban kita Pnoy at Trillanes sa Office of the Ombudsman.

Ito’y dahil sa pagsasagawa ng back channel talks sa China ni Trillanes, na imposible raw na walang direktiba mula kay Pangulong Aquino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.