Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa 4.1 milyon na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 3.5 milyon pa ang hindi nababakunahan ng proteksyon sa COVID 19.
Ang bilang, ayon kay DSWD Asec. Glenda Relova, ay hanggang noong nakaraang Biyernes, Nobyembre 5.
Dagdag pa niya, halos 526,000 pa lang sa mga tumatanggap ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng programa ang nabakunahan na.
Bukas naman aniya ang kagawaran na gawin mandatory para sa mga benipisaryo ang pagbabakuna ngunit sabi pa ng opisyal marami ang dapat ikunsidera bago ipatupad ito.
Kailangan din, sabi pa ni Reloval, na amyendahan ang 4Ps Act.
Paglilinaw din niya na sa ngayon hindi bahagi ng kondisyon para makatanggap ng ayuda ang mga benipesaryo.