Pasay City vaccination site nasunog

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Cuneta Astrodome, na kabilang sa mga itinalagang vaccination site ng pamahalaang-lungsod ng Pasay.

Ayon kay Fire Inspector Alejandro Ramos, operations chief ng Bureau of Fire Protection Pasay, nagsimula ang sunog bandang 8:18 ng umaga sa mezzanine ng Cuneta Astrodome.

 

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire under control bandang 10:32 ng umaga.

 

Nilinaw din ng opisyal na walang ikinakasang vaccination rollout nang mangyari ang insidente.

 

Inaalam na rin kung may mga napinsalang COVID 19 vaccines.

 

Iniimbestigahan na rin ang ugat ng insidente, gayundin ang halaga ng napinsalang ari-arian.

 

Wala naman napa-ulat na nasugatan o nasaktan sa insidente.

Read more...