Mayor Sara dapat maging miyembro ng national party para sa pagtakbo sa national post – Comelec

By Jan Escosio November 10, 2021 - 10:35 AM

Nabuhayan ng husto ang mga umaasa na lalahok si Mayor Sara Duterte sa national elections nang bawiin nito ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa mayoralty election sa Davao City.

 

Ngunit nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez na sakaling tumakbo si Duterte sa isang national position, kinakailangan na maging miyembro muna ito ng isang national party.

 

Aniya ang Hugpong ng Pagbabago na kinabibilangan ng presidential daughter ay isang regional political party lamang.

 

Sinabi pa ni Jimenez, kung may papalitan naman na kandidato sa national position si Duterte kailangan ay iisa ang kanilang partido.

 

Ipinaliwanag din nito na ang substitutions ng mga kandidato ay maaring mangyari sa voluntary, kung saan umayaw na ang kandidato, o involuntary, kung ang kandidato naman ay namatay o nadiskuwalipika.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.