Ilang araw na mararamdaman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ang mababang temperatura,’ ayon sa PAGASA.
Ang bahagyang mababang temperatura ay maaring maramdaman hanggang sa darating na Sabado bunga ng northeast monsoon o amihan.
Sa pagtataya ng PAGASA, 24 hanggang 32 degrees Celsius, ang maaring maitalang temperatura sa Metro Manila.
“Asahan natin ang fair weather condition sa Thursday na sasamahan lang ng mababang tiyansa ng pag-ulan pagsapit ng hapon. Sa umaga at tanghali ay mostly cloudy skies naman, so hindi ganoon kainitan,” ayon kay senior weather specialist Benison Estareja.
Samantala, ang tinatayang temperatura sa iba pang lungsod at lugar sa bansa ngayon araw;
Baguio City: 16 – 26 degrees Celsius
Laoag City: 24 – 32 degrees Celsius
Tuguegarao: 23 – 32 degrees Celsius
Legazpi City: 25 – 32 degrees Celsius
Puerto Princesa City: 26 – 32 degrees Celsius
Tagaytay: 22 – 30 degrees Celsius
Kalayaan Islands: 25 – 32 degrees Celsius
Iloilo City: 26 – 32 degrees Celsius
Cebu: 25 – 31 degrees Celsius
Tacloban City: 25 – 31 degrees Celsius
Cagayan De Oro City: 25 – 32 degrees Celsius
Zamboanga City: 24 -32 degrees Celsius
Davao City: 24 – 31 degrees Celsius
Inaasahan naman na magiging maulap ngayon araw sa Metro Manila.