VP Leni hindi natinag sa posibleng ‘presidential run’ ni Mayor Sara Duterte

Nanatiling kumpiyansa si Vice President Leni Robredo sa kanyang kampaniya sa kabila ng posibilidad na makaharap din niya si Davao City Mayor Sara Duterte.

Kasunod ito nang pagbawi ni Duterte sa kanyang certificate of candidacy  (COC) sa dapat na pagtakbo muli sa pagka-alkalde ng lungsod ng Davao.

“As far as our ticket is concerned, I don’t think it will affect us at all. If at all, when that happens, the lines will be clearer,” pahayag nito sa pagharap sa isang service-oriented organization.

Ito ang kanyang naging tugon nang tanungin sa kanyang reaksyon sa naging hakbang ng presidential daughter.

Katuwiran pa ni Robredo naka-angkla ang kanyang kampaniya sa pagsusumikap at ginagawang hakbang ng kanyang mga tagasuporta.

Ang pagbibitiw ni Duterte ay nagpaningas pa sa mga agam-agam na makakatambal niya si dating Sen. Bongbong Marcos o siya ang papalit na standard-bearer ng PDP-Laban at aatras si Sen. Ronald dela Rosa.

Read more...