“No vaccine, no Christmas bonus” aprub sa Malakanyang

Pabor ang Palasyo ng Malakanyang sa “no vaccine, no Christmas bonus.”

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang masama sa panukala na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu na hindi bigyan ng bonus ang mga empleyadong hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay Roque, bagamat walang batas, discretionary naman ito ng isang employer.

Ang malinaw ayon kay Roque na nakasaad sa batas para sa mga taong gobyerno ay 13th at 14th month pay.

Sinabi pa ni Roque na bahagi ng insentibo ang Christmas bonus para makapagpa-bakuna ang higit na nakararami.

 

Read more...