1,409 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas

By Chona Yu November 09, 2021 - 04:38 PM

Aabot sa 1,409 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Nobyembre 9.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2,806,694 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang, 30,544 ang aktibong kaso.

Nasa 60.7 percent ang mild, 8 percent ang asymptomatic, 17.05 percent ang moderate, 10 percent ang severe, at 4.2 percent ang kritikal.

Nasa 46 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 44,567 ang mga nasawi dahil sa virus.

 

 

TAGS: COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer, COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.