Command Center ng PPCRV, handa na sa eleksiyon

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nakahanda na rin ang command center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa Pope Pius Center para sa eleksyon bukas.

Isa-isa nang ininspeksyon ng mga technician ng PPCRV kung gumagana nang maayos ang mga computer na gagamitin ng mga volunteers ng grupo para i-tabulate ang mga papasok na resulta ng botohan.

Nag-inspeksyon na rin ang ilang K-9 units sa loob at labas ng command center.

Nakabukas at online na ang nasa 100 computers at may mga technician na nagseset up.

Maging ang mga telepono ay nakalatag na rin na maaring tawagan ng mga botante kapag may tanong o sumbong hinggil sa halalan.

Bukas na rin ang dalawang malaking screen kung saan doon makikita ang bilang ng mga boto na pumapasok sa oras na magsimula ang transmission bukas ng gabi.

Ang PPCRV ang citizens arm ng Commission on Elections o Comelec kaya’t may access ito sa transparency server ng election result na gagamitin sa tabulation.

Gayunman, ang ilalabas na resulta ng PPCRV ay ikukunsiderang partial unofficial.

Read more...