Sara Duterte hindi na tatakbong mayor ng Davao City

Iniurong na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-mayor ng Davao City.

Base sa post ni Mayor Sara sa kanyang official Facebook page, ang kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang papalit sa kanyang kandidatura.

Una rito, iniurong na rin ni Vice Mayor Baste ang kanyang kandidatura sa pagka-vice mayor.

Si Attorney Melchor Quitain ang nominado sa pagka-vice mayor.

“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang akong kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Maraming salamat po,” pahayag ni Mayor Sara sa kanyang Facebook post.

Hindi naman tinukoy ni Mayor Sara kung tatakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

 

Read more...