Magna Carta for Commuters itutulak ng PASAHERO Partylist

By Jan Escosio November 09, 2021 - 11:15 AM

Para magarantiyahan ang karapatan at kapakanan ng mga komyuter, isusulong ng PASAHERO Partylist ang Magna Carta for Commuters.

“Now more than ever we need to put in place a national policy establishing and promoting commuters’ rights and welfare amid the challenges brought on by the COVID-19 pandemic,” sabi ni PASAHERO spokesperson lawyer Homer Alinsug.

Ayon kay Alinsug bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng mga milyong-milyong komyuter ang hamon ng pagbiyahe, lalo na sa Metro Manila.

Dagdag pa niya, ang kalagayan ng mga komyuter ay pinalala pa ng pandemya dahil sa travel restrictions dulot ng lockdowns.

Paliwanag ni Alinsug layon ng isinusulong na Magna Carta of Commuters o Commuters Bill of Rights na mas maging malinaw ang mga karapatan ng mga komyuter

Kabilang na dito ang karapatan para sa ligtas na biyahe, tamang impormasyon para sa maginhawang pagbiyahe, at agarang tulong kapag may pangangailangan sa biyahe.

May mga katulad ng panukala ang naihain sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ngunit wala ang umarangkada.

“PASAHERO Party-list will push for the enactment of the Magna Carta of Commuters in the next Congress because we strongly believe that the welfare and protection of the commuting public should be a priority of the government,” sabi pa ng tagapagsalita ng PASAHERO o Passengers and Riders Organization Inc.

TAGS: commuter, Homer Alinsug, Magna Carta for Commuters, PASAHERO Partylist, commuter, Homer Alinsug, Magna Carta for Commuters, PASAHERO Partylist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.