Ayon sa MMDA, layon ng lifting ng number coding na mapahintulutan ang mga motorist lalo na ang mga botante na makarating sa kani-kanilang polling precints nang maayos.
Samantala, nilinaw ng MMDA na ipatutupad pa rin ang No Contact Apprehension Policy bukas, kahit pa araw ng halalan.
Paliwanag ng MMDA, mahigpit ang pagpapatupad nila ng naturang polisiya, lalo’t hindi maiiwasan na marami pa ring mga lumalabag sa batas trapiko.
Sa No Contact Apprehension Policy, ang MMDA ay gumagamit ng mga CCTV cameras at iba pang kahalintulad na gadget upang makuhanan ng videos at mga litrato ang mga sasakyan na lumalabag sa traffic laws, rules at regulations.
Sakop ng panuntunan ang mga violator na mahahagip ng MMDA CCTV cameras na naka-install sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.