Number Coding sa MM, suspindido sa araw ng eleksiyon

By Isa Avendaño-Umali May 08, 2016 - 01:23 PM

MMDA codingInanunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang number coding scheme bukas sa lahat ng mga siyudad at munisipalidad sa Kalakhang Maynila para sa May 09 elections.

Ayon sa MMDA, layon ng lifting ng number coding na mapahintulutan ang mga motorist lalo na ang mga botante na makarating sa kani-kanilang polling precints nang maayos.

Samantala, nilinaw ng MMDA na ipatutupad pa rin ang No Contact Apprehension Policy bukas, kahit pa araw ng halalan.

Paliwanag ng MMDA, mahigpit ang pagpapatupad nila ng naturang polisiya, lalo’t hindi maiiwasan na marami pa ring mga lumalabag sa batas trapiko.

Sa No Contact Apprehension Policy, ang MMDA ay gumagamit ng mga CCTV cameras at iba pang kahalintulad na gadget upang makuhanan ng videos at mga litrato ang mga sasakyan na lumalabag sa traffic laws, rules at regulations.

Sakop ng panuntunan ang mga violator na mahahagip ng MMDA CCTV cameras na naka-install sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

TAGS: #VotePH2016, mmda, #VotePH2016, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.