Tuloy ang implementasyon ng no face shield policy sa lungsod ng Manila.
Tugon ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na kinakailangan na sumunod ng local chief executives sa chain of command sa sangay ng ehekutibo.
Sa ngayon, wala pang polisiya ang national government na itigil na ang paggamit ng face shield bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, maari namang magtungo sa korte ang national government para maghain ng declaratory relief.
Ayon kay Mayor Isko, mananatili ang kanyang polisiya na hindi na obligado ang publiko na magsuot ng face shield tuwing papasok sa mga establisyemento.
Giit ni Mayor Isko, tanging sa mga ospital na lamang ang pagsusuot ng mga face shield.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.