Kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant, na-detect sa Pampanga
Na-detect ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, napaulat ang unang kaso ng COVID variant na dating tinawag na Kappa variant sa isang 32-anyos na lalaki sa Floridablanca, Pampanga.
Isa aniya itong local case at napaulat na gumaling na ang lalaki.
Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa unang kaso ng naturang variant ng nakahahawang sakit.
Matatandaang unang napaulat ang B.1.617.1 variant sa India noong October 2020.
Ngunit noong September 2021, inilagay ng World Health Organization (WHO) ang naturang variant sa “deescalated category” at tinukoy bilang ‘variant under monitoring’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.