24 pang pulis, gumaling sa COVID-19; Isa nasawi
May anim na bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (November 8), 42,022 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 300 ang aktibo pang kaso.
24 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 41,598 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 124 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.