Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 250.61 milyon
Pumalo na sa 250.61 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 250,613,449 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 47,336,577 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,366,614 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,880,439 naman ang kaso sa Brazil habang 9,301,909 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,795,095
– Turkey – 8,231,679
– France – 7,217,484
– Iran – 5,987,814
– Argentina – 5,296,781
– Spain – 5,025,639
– Colombia – 5,015,042
– Italy – 4,808,047
– Germany – 4,780,569
– Indonesia – 4,248,165
– Mexico – 3,826,786
– Poland – 3,104,220
– Ukraine – 3,075,433
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,064,644 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 226,869,271 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.