NGCP, handa na para sa eleksyon bukas, May 9

By Isa Avendaño-Umali May 08, 2016 - 10:32 AM

ngcpTiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na ‘election-ready’ na sila para sa halalan bukas, May 9.

Ayon sa NGCP, ilang araw bago ang eleksyon ay sinimulan na nila ang implementasyon ng mga contingency plan upang masiguro na nasa maayos na kundisyon ang power transmission network.

Patuloy din ang mahigpit na koordinasyon ng NGCP at Department of Energy o DOE sa pag-monitor sa power outlook lalo na sa mismong araw ng automated polls, maging sa generators para sa power supply at reserves.

Kapwa ginagawa ng NGCP at DOE ang lahat upang matiyak na walang black-out sa botohan.

Kasabay nito, sinabi ni NGCP na nakahanda na ang mga pasilidad nila, bukod pa sa nakadeploy na ang kanilang resources upang mas mapadali ang pagresponde sakaling may mga insidente na makaka-apekto sa transmission services sa halalan, tulad ng pambobomba sa mga tore.

Kinumpirma na rin ang NGCP na activated na ang Over-all Command and Control Center sa headquarters nito, pati na rin sa regional at district offices na magiging bukas bente-kwatro oras bago at pagkatapos ng eleksyon.

Ang mga naturang command at control centers ay magsisilbi ring main monitoring at information centers.

TAGS: Election 2016, Suplay ng kuryente, Election 2016, Suplay ng kuryente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.