Metro Manila mayors ihihirit sa IATF pagbasura sa mandatory use ng face shield

By Jan Escosio November 08, 2021 - 12:41 PM

Irerekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbawi sa ‘mandatory use’ ng face shield sa Metro Manila.

Ito ang ibinahagi ni MMDA Chairman Benhur Abalos at aniya sa mga itinuturing na ‘critical places’ na lamang kinakailangan ang pagsuot ng face shield.

Ayon pa kay Abalos ito ang napagkasunduan ng 17 alkalde sa Kalakhang Maynila.

Aniya ang face shield ay isusuot lamang sa mga ospital, barangay health centers at pampublikong transportasyon.

Dagdag pa ni Abalos kapag inaprubahan, hindi na kakailanganin pa ang pagsusuot ng face shield sa shopping malls.

Una nang inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ang pagrekomenda na bawiin na ang ilang COVID 19 policy dahil sa pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.