Misis, karelasyon na pulis binulaga ng mister sa Quezon hotel

 

Nahuli sa akto ng isang lalaki ang kanyang misis at hinihinalang kalaguyo nitong pulis sa isang hotel sa Lucena City.

 

Base sa ulat, alas-2:30 ng hapon noong Biyernes nang mabulaga ng lalaki ang magkalaguyo sa hotel sa isang hotel sa Barangay Bocohan.

 

 

Ayon sa biktima nalaman niya na nasa hotel ang kanyang misis sa pamamagitan ng global positioning system (GPS).

 

Inaresto at sinampahan na ng reklamong adultery ang babae, samantalang nagawa naman makatakas ng pulis, na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Health Service Unit.

Read more...