64 percent sa mga Pinoy gustong magpa-bakuna kontra COVID-19 ayon sa SWS

By Chona Yu November 06, 2021 - 08:22 AM

Mas marami ng mga Filipino ang gustong magpa-bakuna kontra COVID-19.

Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, 64 percent sa mga adult Filipinos ang nakahandang magpabakuna.

Ginawa ang survey noong Setyembre 27 hanggang 30, 2021.

Sa naturang survey, 25 percent ang nagsabi na tapos na sa second dose habang 10 percent ang nakakuha ng first dose.

Aabot naman sa 23 percent ang nagsabi na siguradong magpapabakuna sila sa mga susunod na araw.

Nasa 19 percent naman ang nagsabi na hindi sigurado na magpapabakuna habang nasa 18 percent ang ayaw magpa-bakuna.

 

TAGS: COVID-19, news, Radyo Inquirer, SWS, COVID-19, news, Radyo Inquirer, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.