PNoy umapela sa mga botante na maging susi ng liwanag sa bansa

By Den Macaranas May 07, 2016 - 10:02 PM

meeting aquino
Inquirer file photo

Tulad ng inaasahan ay muling binanatan ni Pangulong Noynoy Aquino si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa miting de avance ng Liberal Party sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Sinabi ng Pangulo na hindi nila kayang itaguyod ang tunay na diwa ng demokrasya sa bansa kundi sila susuportahan ng mga botante sa Lunes, araw ng eleksyon.

Muling sinariwa ng Pangulo ang mga kaganapan noong panahon ng Martial Law at posible umano itong maulit kapag hindi tama ang naging desisyon sa araw ng eleksyon.

Naniniwala rin si Aquino na magiging malaki ang papel ng kanilang mga kaalyadong local officials para maipanalo ang tambalang Roxas-Robredo.

Sinabi ng mga opisyal ng Quezon City Police District na umabot ng halos ay 30,000 ang dumalo sa miting de avance ng Liberal Party.

TAGS: Aquino, Liberal, Miting de Avance, Robredo, roxas, Aquino, Liberal, Miting de Avance, Robredo, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.