Pagbawi sa curfew, dagdag kapasidad sa PUVS tamang hakbang – Lacson

By Jan Escosio November 05, 2021 - 03:06 PM

Screengrab from Sen. Ping Lacson’s Facebook video

Ekonomiya ang higit na makikinabang sa pagpapaluwag sa curfew at maging sa limitasyon sa mga pampublikong sasakyan, ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Ngunit sa pagsuporta sa ginawang hakbang ng gobyerno, paalala ni Lacson na kinakailangan pa rin ang mga istratehiya para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sinusuportahan namin ang move na magbukas ng ekonomiya, para sa ganoon medyo sumigla ang ating business activities. Huwag lang kalimutan ang containment strategy na nakasanayan natin,” sabi pa nito.

Diin ng senador, napapanahon na para magbukas pa ang ibang mga negosyo dahil aniya, ito ang makakatulong nang malaki sa pagpupursige na mapasigla muli ang ekonomiya ng bansa.

Ngunit aniya, kailangan lang din ay paigtingin o pagtibayin pa ang pagsasagawa ng testing, tracing, treatment at vaccination rollout.

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson2022, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson2022, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.