12 winners ng Youth Poverty Reduction Challenge, kinilala ni Sen. Villar

By Jan Escosio November 05, 2021 - 02:39 PM

Pinangunahan ni Senator Cynthia Villar ang pagkilala sa 12 organisasyon ng mga kabataan na nanalo sa 4th Youth Poverty Reduction Challenge.

Kinilala ni Villar ang mga pagsusumikap ng mga grupo na maibsan ang epekto ng mga hamon dulot ng pandemya, partikular na ang kahirapan.

“We know it is more challenging this year because of the situation we are all in, but you all rose to the occasion despite the challenges. We hope you will continue your winning ways in helping our fellow Filipinos beat poverty,” ang mensahe ng senadora sa mga nagwagi.

Pinapurihan naman ni House Deputy Speaker Camille Villar ang mga pagsusumikap ng mga kabataan na makatulong sa mga komunidad sa gitna ng krisis pangkalusugan.

Ipinaalala naman ni dating DPWH Sec. Mark Villar sa mga organisasyon na ang pagkilala sa kanila ng Villar SIPAG ay testamento ng kanilang paniniwala sa kanilang mga adbokasiya at adhikain.

Paliwanag pa nito, layon ng programa na mahikayat ang mga kabataan na magsimula ng negosyo at kabuhayan.

“Through the deeds and little causes you advocate with your social enterprises, you spark change for the betterment of our society,” diin ng dating kalihim.

Tatanggap ng tig-P100,000 ang mga nanalo, Christian Youth Fellowship -Quezon City; Tanghalan ng Mandaluyong, Inc. – Mandaluyong City; Pinablin 4H Calasiao, Inc. – Calasiao,Pangasinan; Rice-Up Farmers, Inc. -Lubao, Pampanga; Youth for Mindoro Calapan, Oriental Mindoro; Borres Youth Leadership Institute Inc. – Roxas City, Capiz; Cebuano Youth Ambassadors, Inc. – Cebu City,Cebu; Shadow Arts Theater Organization – Palo, Leyte; Vitali 4-H Club -Vitali, Zamboanga City; Youth Cooperative for Ecological Protection -Nazareth, Cagayan de Oro City; Peace Creed Philippines – Midsayap,North Cotabato; at E-Agrikultura Farmers Organization, Inc. – Butuan City.

TAGS: CynthiaVillar, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Youth Poverty Reduction Challenge, CynthiaVillar, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Youth Poverty Reduction Challenge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.