Poe: “Dignidad ng mga Pinoy ibabalik ko”

By Den Macaranas May 07, 2016 - 10:00 PM

grace poe 2
Inquirer file photo

Punong puno ng pasasalamat ang talumpati ni Sen. Grace Poe sa miting de avance ng tambalang Poe-Escudero sa Plaza Miranda.

Bago ang kanyang pag-akyat sa entablado ay pinakita muna sa LED screen ang duet ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. at Manila Mayor Joseph Estrada.

Kaagad na pinasalamatan ni Poe ang kanyang pamilya sa pangunguna ng aktres na si Susan Roces.

Hindi rin niya nakalimutan ang mga taga-suportang naging bahagi ng kanyang kampanya sa nakalipas na siyamnapung mga araw.

Ikinuwento ni Poe kung paano siya naghangad na maglingkod bilang pangulo ng bansa sa kabilang ng pagiging komportable ng kanyang buhay bilang isang Senador.

Pero hindi sinayang ng mambabatas nang pagkakataon na banatan ang kanyang mga kalaban sa presidential race.

Sinabi niya na hindi na nakikinig sa problema ang pamahalaan basta’t kontento na sila sa kanilang tuwid na daan pero iyun anya ay hanggang doon lang.

Binanggit din Poe na dapat mag-ingat ang sambayanan sa mga magnanakaw na kandidato pati na rin sa kandidato na walang pag-galang sa karapatang-pantao.

Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni Poe na kapag siya’y nanalo ay muling manunumbalik ang dignidad sa buhay ng bawa’t Filipino.

TAGS: 2016, election, grace poe, manila, mting de avance, 2016, election, grace poe, manila, mting de avance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.