Nakatambak na 40-M doses ng COVID-19 vaccines, pinuna ni Sen. Marcos
Hindi na ang mga lokal na pamahalaan ang maaring pagbuntunan ng sisi sa nakatambak na 40 million doses ng COVID-19 vaccines.
Ito ang ipinagdiinan ni Senator Imee Marcos at aniya, ang dapat magpaliwanag ay ang Department of Health (DOH) o ang Bureau of Customs (BOC).
Sinabi nito na marami siyang alam na mga bayan sa mga malalayong lalawigan na desperado na sa mga bakuna.
Reaksyon ito ng senadora sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang LGUs na sadyang pinababagal ang pagpababakuna ng kanilang mamamayan ay dapat parusahan.
Dagdag pa ni Marcos, maging ang takot at pangamba sa bakuna ay dahilan pa din ng mababang bilang ng mga bakunado sa bansa at ito naman ay dahil sa isyu naman sa information campaign.
Sa nabakunahan na 25 porsiyento ng 111 milyong Filipino, pang-siyam ang Pilipinas sa 10 bansa sa ASEAN sa usapin ng bilang ng ‘fully vaccinated’ na mamamayan.
Para aniya, maiwasan namang masira ang mga bakuna dapat ay inumpisahan na ang pagpaparehistro para sa mga maari nang tumanggap ng ‘booster shot’ o ‘third dose.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.