Patuloy na tinututukan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 185 kilometers Silangan ng Catarman, Northern Samar dakong 3:00 ng hapon.
Apektado aniya ng kaulapang dala ng LPA ang Eastern Visayas, ilang bahagi ng Bicol region at Mindanao.
Partikular na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Eastern at Central Visayas, Dinagat Island, Camiguin at Surigao del Norte.
Samantala, patuloy namang umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa maraming parte ng Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES