Binay kay PNoy: “Tiyakin mo ng malinis na eleksyon”

By Den Macaranas May 07, 2016 - 09:55 PM

binay stage
Inquirer file photo

Nanawagan si Vice-President Jejomar Binay sa mga botante na bantayan ang eleksyon sa lunes dahil ito’y magiging sentro ng dayaan.

Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Makati City, sinabi ni Binay mananalo siya sa halalan dahil sa suporta ng kanyang tinatawag na silent majority.

Sinariwa rin ni Binay ang kanyang karanasan sa tatlong buwan pangangampanya kung saan ay nakita umano niya ang tunay na problema ng mga Pinoy.

Bukod sa kahirapan sinabi ni Binay na biktima rin ng inhustisya ang karamihan sa kanyang mga nakausap.

Bilang isang mamamayang Filipino, umapela si Binay kay Pangulong Noynoy Aquino na tiyakin ang pagkakaroon ng maayos at kapani-paniwalang halalan sa Lunes.

Sinabi ng Makati City Police Station na umabot sa walong libo katao ang sumaksi sa meeting de avance ng UNA sa Lawton Ave. Makati City.

 

TAGS: binay, election, Makati, miting de avance 2016, binay, election, Makati, miting de avance 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.