Weekend road repairs sa EDSA, ipagpapatuloy

Muling magkakasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa bahagi ng EDSA.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi, November 5.

Apektado nito ang mga sumusunod na kalsada:
– EDSA bago ang Annapolis hanggang Boni Serrano flyover, northbound second lane mula sa center island, sa Quezon City
– EDSA-Tramo flyover sa Pasay City

Sinabi ng MMDA na maari muling daanan ng mga motorista ang nasabing kalsada dakong 5:00, Lunes ng madaling-araw, November 8.

Payo sa mga motorista, pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala ng aktibidad.

Read more...