LGU na hindi magsusumite ng vaccination data, bibigyan ng show cause order

By Chona Yu November 04, 2021 - 05:23 PM

Bibigyan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government unit na hindi magsusumite ng vaccination data sa kanilang lugar.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na hinihintay lamang nila ang pangalan ng LGUs na bigong magsumite ng data.

Una rito, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na 30 porsyento sa LGUs ang hindi consistent sa pagsusumite ng kanilang updated records kada araw.

Dahil kasi aniya sa delay ng LGUs, mayroong 10 milyong vaccination data ang hindi uploaded sa Vaccine Operating Rerporting System ng National Vaccine Operation Center.

“Mayroon nga pong 30% na mga LGUs na hindi nagsusumite ng kanilang updated records everyday dahil base po doon sa ating polisiya sa National Vaccine Operation Center at the end of the day ay kailangan po nari-report nila iyong nababakunahan nila sa VORS or iyong Vaccine Operating Reporting System,” pahayag ni Malaya.

“So, dahil nga po sa delay na ito, mayroon po tayong mga 10 milyong vaccination data ang hindi pa uploaded doon sa system kaya minabuti po ni Secretary Año, na isama ito doon sa mga datos at mga responsibilidad ng mga local government units. Posible po na mag-isyu na ng show cause order ang DILG laban sa mga LGUs na ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsa-submit ng updated data,” dagdag ng opisyal.

TAGS: COVIDvaccination, DILG, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews, VaccinationData, COVIDvaccination, DILG, InquirerNews, JonathanMalaya, RadyoInquirerNews, VaccinationData

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.