Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 4), nasa 2,795,642 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 37,159 o 1.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,766 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
68.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.3 porsyento ang asymptomatic; 14.11 porsyento ang moderate; 8.2 porsyento ang severe habang 3.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 239 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 43,825 o 1.57 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,591 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,714,658 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.