Batas sa pagtataas ng parusa sa kasong perjury, nilagdaan ni Pangulong Duterte

By Angellic Jordan November 04, 2021 - 02:30 PM

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtataas sa mga parusa sa kasong perjury.

Pinirmahan ng pangulo ang Republic Act No. 11594 at inilabas ang kopya nito sa media, araw ng Huwebes.

Sa ilalim ng naturang batas, may parusang ‘prision mayor’ mula sa minimum period na anim na taon at isang araw hanggang walong taon at medium period na walong taon at isang araw hanggang 10 taon.

Kung ang may kaso ay isang public officer o employee, mahaharap ito sa pagkakakulong ng maximum period na 12 taon, multang hindi lalagpas sa P1 milyon at hindi na maaring ma-appoint o magkaroon ng elective position sa gobyerno.

Magiging epektibo ang naturang batas 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan.

TAGS: InquirerNews, PERJURY, RadyoInquirerNews, InquirerNews, PERJURY, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.