Pagdinig sa kasong pagkansela ng COC ni Bongbong Marcos, hindi prayoridad ng Comelec

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Hindi prayoridad ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa kasong pagkansela sa Certificiate of Candidacy (COC) ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakandidatong pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, gaya ng ibang kaso, ordinaryo lamang ang pagtrato ng ahensya sa reklamong inihain ng political detainees at human rights group laban kay Marcos.

Hinahanda na aniya ng kanilang hanay na i-raffle ang reklamo laban kay Marcos para malaman kung aling division ng Comelec ang hahawak.

Sa unang division ay binubuo ni Comelec commissioners Rowena Guanzon, Marlon Casquejo at Aimee Ampoloquio. Sa second division ay binubuo ito nina Commissioners Socorro Inting at Antonio Kho Jr.

Sinabi pa ni Jimenez na kaya nakatakbong senador at bise presidente si Marcos noon dahil wala namang naghain ng cancellation o disqualification case sa anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Read more...