Bitbit ang kopya ng blown-up income tax return, sumugod sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila ang grupong Akbayan para hilingin na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tatakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Ito ay dahil sa na-convict na si Marcos ng kasong tax evasion noong 1995 na may hatol ng disqualification na may penalty na perpetual disqualification na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Perci Cendana, sinungaling at magnanakaw si Marcos.
Wala aniyang legal at moral na karapatan si Marcos na tumakbong pangulo ng bansa.
Malinaw aniya na nagsinungaling si Marcos sa taong bayan at sa Comelec dahil isa sa mga tanong sa paghahain ng COC ay kung na-convict na ito sa isang krimen.
Sa COC ni Marcos, ang sagot nito ay wala.
Paliwanag ni Cendana, ngayon lang ninireklamo si Marcos dahil ngayon lang nadiskubre na na-convict na pala ang dating senador noong 1995.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.