4 vaccine manufacturers inihirit sa FDA na payagan maibigay na booster shots

Nagsumite na ng kanilang aplikasyon ang apat na COVID 19 manufacturers sa Food and Drug Administration (FDA) para maibigay na ‘booster shot’ ang kanilang mga bakuna.

 

Sinabi ni FDA Sec. Gen. Eric Domingo ang apat na may aplikasyon ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.

 

Nais ng apat na mabago ang ibinigay sa kanilang emergency use authorization (EUA) para sa kanilang COVID 19 vaccines.

 

Ayon pa kay Domingo sa aplikasyon ng apat ay inilakip nila ang scientific data para sa kani-kanilang bakuna at aniya ito ang pinag-aaralan ngayon ng mga vaccine experts.

 

Una naman ng nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pagkakaiba ang ‘booster shot’ at ‘third dose.’

 

Inanunsiyo na ng gobyerno ang pagbibigay ng ‘booster shot’ sa mga medical and health frontliners, senior citizens at ang mga may comorbidities.

Read more...