Magsasaka, mangingisda dapat isama sa fuel subsidy program – Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio November 04, 2021 - 08:30 AM

Lubhang apektado na rin ang mga magsasaka at mangingisda kayat nararapat lamang na maisama sila sa pamamahagi ng subsidiya bukod sa mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan kasabay ng kanyang muling panawagan na suspindihin ang excise tax sa mga produktong-petrolyo.

Aniya 10 sunod na linggo na tumaas ang halaga ng mga produktong-petrolyo at halos P20 na ang nadagdag sa kada litro ngayon taon.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng gobyerno na magpapalabas ng P1 bilyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa cash subsidy sa may 178,000 drivers.

“Kailangang-kailangan ito ng ating mga tsuper at riders. Dapat mabigyan din ang mga magsasaka at mangingisda na tinatamaan din ng pagtaas ng presyo ng krudo,” sabi pa nito.

Ayon pa sa nag-akda ng Sagip Saka Law, 70 porsiyento ng gastusin ng mga mangingisda ay sa petrolyo ng mga bangka kanilang ginagamit.

“Kapag tumaas ang gastos ng ating mga mangingisda at magsasaka, tataas din ang presyo ng pagkain, lahat tayo ay apektado,” sabi pa ng senador.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.