Binay sa sariling balwarte tinapos ang kampanya

By Den Macaranas May 07, 2016 - 08:05 PM

Miting de avance Binay
Inquirer file photo

Sa kanyang balwarte sa Makati City tinapos ni Vice-President Jejomar Binay ang 90-day campaign para sa eleksyon sa Lunes, May 9.

Simboliko rin ang pagpili ni Binay ng lugar para sa kanyang miting de avance sa Lawton Avenue na ilang metro lamang ang layo sa kontrobersiyal na University of Makati at Makati City Science Highschool.

Eksaskto alas-kwatro ng hapon kanina sinimulan ang programa sa pamamagitan ng mga inihandang awitin ng singer na si Rita Daniela.

Naging maingay ang mga tagasuporta ni Binay nang magsimula na ring magsayaw ang senatorial candidate ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Alma Moreno kasama ang kanyang anak na si Wyn Wyn at VJ.

Maaga namang naging busy si mayoral candidate Abby Binay na nag-aasikaso para sa libreng temporary facial tattoo na may tatak na “Only Binay”.

Inaasahan na alas-diyes ng gabi magbibigay ng talumpati si Binay kung saan hinihintay na rin ang pagdating ng kanyang buong team kasama si People’s Champ Manny Pacquiao na kandidato rin sa pagka-senador.

TAGS: 2016, binay, election, Makati, vice president, 2016, binay, election, Makati, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.