Dolomite beach sa Manila Bay, mananatiling sarado

By Angellic Jordan November 03, 2021 - 04:45 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Hindi pa muling maaring bisitahin ang Dolomite Beach sa Manila Bay.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ipagpapatuloy ang temporary closure nito, na nagsimula noong October 29 para sa paggunita ng Undas.

Paliwanag ni DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, layon nitong bigyang daan ang pagpapatuloy ng rehabilitation works, kabilang ang pagsasaayos ng kalidad ng tubig.

Target ding tapusin ang Phase 2 ng Dolomite Beach project, konstruksyon ng solar-powered comfort rooms, at iba pa.

Humingi naman ang kagawaran ng pang-unawa sa publiko.

Noong October 16, binuksan ang Dolomite beach ngunit sinara ulit kasunod ng pagdagsa ng publiko.

TAGS: DENR, DolomiteBeach, InquirerNews, RadyoInquirerNews, DENR, DolomiteBeach, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.