Pagbibigay ng connectivity assistance sa mga guro, tuloy – DepEd

DepEd Facebook photo

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tuloy ang pagbibigay ng connectivity load program para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa pagpapatupad ng blended learning setup para sa School Year 2021-2022.

Sa ilalim ng naturang programa, nakakapagbigay ang kagawaran ng SIM cards na may kasamang 34GB connectivity load kada buwan.

Base sa analytics consumption tests, sapat na ang 1GB kada araw para sa 30 araw na klase bawat buwan upang magkaroon ng access sa e-learning, at whitelisted o zero-rated DepEd applications.

Kaya rin nitong masuportahan ang walong oras na video conferencing.

Dagdag nito, hiniling ng kagawaran sa Commission on Audit (COA) at Department of Budget and Management (DBM) noong 2020 ang pagbibigay ng internet allowance in cash, na mangangailangan ng humigit-kumulang P18 bilyon sa pampublikong pondo.

Sa ilalim kasi ng kasalukuyang ng DepEd, walang umiiral na batayang legal at fund cover para sa naturang “monthly internet/connectivity allowance”.

Nakasaad sa COA Circular No. 2013-003 na lahat ng mga bayarin na walang batayang legal ay pinagbabawalan sa audit ng komisyon.

Siniguro ng DepEd na patuloy silang makikipagtulungan sa mga ahensya para mabigyan ng suporta ang mga guro sa gitna ng online classes.

Read more...