Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mababa sa 2,000

Mababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas sa loob ng isang araw.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 3), nasa 2,793,898 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 38,014 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,591 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang pinakamababang naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw sa nakalipas na walong buwan.

69.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.2 porsyento ang asymptomatic; 13.87 porsyento ang moderate; 8.1 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 186 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 43,586 o 1.56 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,294 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,712,298 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...