Unified curfew hours sa Metro Manila, aalisin na
Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na mag-aalis ng unified curfew hours na 12:00 hanggang 4:00 ng madaling-araw sa National Capital Region simula sa Huwebes, November 4.
Batay sa MMDA Resolution No. 21-25, makatutulong ang pag-aalis ng curfew hours sa pag-adjust ng operating hours ng mga mall upang mabigyan ng sapat na oras ang mga namimili at mall employees na makauwi ng kanilang bahay.
“The lifting of curfew hours in Metro Manila will help spread out influx of people coming to and from malls to further reduce the risk of virus’ transmission,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at overall MMC Chairman Benhur Abalos.
Nakasaad din sa resolusyon na sang-ayon ang mga may-ari ng mall na i-adjust ang kanilang operating hours na magbubukas hanggang 11:00 ng gabi, para maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila kasabay ng Christmas season.
Pagdating naman sa curfew hours sa mga menor de edad o may edad 18 pababa, sinabi ng MMDA na depende ito sa ipinatutupad na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan, kasama ang patuloy na pagpapatupad ng COVID-19 protocols at minimum public health standards.
“The Metro Manila mayors have agreed to lift the curfew hours in the metropolis,” ani Abalos at dagdag nito, “But we will respect the implementation of curfew on minors based on existing ordinances of the respective LGUs.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.