3 Liberal Party supporters patay sa ambush sa Isabela

By Den Macaranas May 07, 2016 - 07:17 PM

Jones Isabela
Isabela map

Patay ang tatlong taga-suporta ng Liberal Party sa Jones Isabela makaraan silang tambangan kaninang umaga ayon sa ulat na ipinarating sa Camp Crame.

Patay agad sa pinangyarihan ng krimen sina Ret. SPO4 Arthur Anunciacion, bayaw ni Liberal Party mayoralty candidate Melanie Uy.

Kasamang namatay sa ambush sina Lydia Zapata at ang kanilang aide na kinilala lamang sa pangalan na Eric.

Sinabi ng ilang mga nakasaksi na labing-limang mga armadong suspects ang bumaril sa convoy ng mga biktima sa Brgy. Namnama sa bayan ng Jones.

Sugatan din sa ambush ang asawa ni Anunciacion na si Rhoda at ang kanilang labing-dalawang taong gulang na anak na babae na ginagamot ngayon sa isang ospital sa Santiago City.

Sinabi ni Jay-ar Vallejo, LP spokesman sa bayan ng Jones na muntik nang mapasama sa mga tinambangan ang kandidatong si Uy kundi siya nagpalit ng sasakyan.

Noong April 13 ay pinatay naman ng mga nagpakilalang miyembro ng CPP-NPA si Jones Vice-Mayor Ronaldo Lucas.

Iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad kung magka-ugnay ang dalawang naganap na pamamaslang.

TAGS: 2016, election, isabela, jones, liberal party, uy, 2016, election, isabela, jones, liberal party, uy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.