Tampuhan sa grupo itinanggi nina Escudero at Poe

By Den Macaranas May 07, 2016 - 07:11 PM

neil-chiz-620x827 (1)
FB post

Para patotohanan na walang away na namamagitan, nagpakuha ng larawan na kapwa nakangiti sina Sen. Chiz Escudero at ang mister ni Sen. Grace Poe na si Neil Llamanzares.

Magkakasama ang tatlo na pumunta sa Plaza Miranda para sa miting-de-avance ng Gobyernong May Puso Team na pinangungunahan ng tambalang Poe-Escudero.

Pasado alas-dos ng  hapon kanina ay nagsimula nang magsikip ang daloy ng trapiko sa harapan ng Quiapo Church.

Maliban sa mga taga-suporta, dagsa rin ang mga gustong magtinda sa lugar para samantalahin ang okasyon.

Inaasahan na tatagal hanggang 11PM ang mting-de-avance na lalahukan rin ng mga lokal na kandidato sa lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Erap Estrada.

Tumanggi naman na magbigay ng anumang pahayag si Poe kaugnay sa alok na pag-uusap ng kampo ni Mar Roxas.

Sinabi ni Poe na sasabihin niya sa kanyang talumpati sa miting-de-avance ang lahat ng kanyang saloobin dalawang araw bago ang eleksyon sa Lunes.

Pinili ni Poe na simulan at tapusin ang kampanya sa Plaza Miranda sa Quiapo bilang simbolo dahil sa isang simbahan sa Ilo-Ilo siya napulot ng kanyang kinalakihang mga magulang.

TAGS: escudero, mting de avance, neil llmanzares, Plaza Miranda, poe, escudero, mting de avance, neil llmanzares, Plaza Miranda, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.