Nikko Natividad, ikinasal na sa non-showbiz partner

By Angellic Jordan November 02, 2021 - 06:33 PM
Photo credit: @hashtag_nikko/Instagram

Ikinasal na ang “Hashtag” member na si Nikko Natividad sa kaniyang long-term partner na si Cielo Eusebio.

Idinaos ang garden wedding ng couple sa Nasugbu, Batangas.

Sa Instagram, ibinahagi ni Nikko ang ilang larawan na kuha sa kanilang kasal.

“Hindi parin ako makapaniwala. Lumulutang ako sa saya. Masaya ako at ikaw ang napangasawa,” saad ni Nikko sa IG post.

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa showbiz industry.

Noong Agosto, inanunsiyo ng couple ang kanilang engagement sa pamamagitan ng YouTube vlog.

TAGS: CieloEusebio, InquirerNews, NikkoNatividad, RadyoInquirerNews, CieloEusebio, InquirerNews, NikkoNatividad, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.